More than Words: #AllTheFeels and My Heart

 

Helloooo! ❤

Nagsimula lang sa isang tweet, na sinundan ng isang Facebook comment, at nakarating na sa SMX Convention Center kung saan naganap ang #AllTheFeels – live readings ng #romanceclass books.

May English version ang recap na ‘to. Nasa book blog ko kasi focused sa bookish aspect ng event yung blog post. At itong Filipino version, focused sa writing aspect.

Pero kahit na focused sa writing aspect ang post na ito, hayaan niyo muna ako mag-fangirl.<3


KASI NAMAN.

Kung may isang character sa isang libro na sobrang napalapit talaga sa puso mo, tapos malalaman mong kasama sa live readings, hindi ka ba magwawala?

Friends, yung mga fictional book boyfriends, magiging totoo. Kahit halos 15 minutes lang. Yung feeling na magkakaroon ng movie yung favorite book niyo, tapos nalaman niyo na kung sino yung gaganap. YUN.

Oo, limited lang yung actions. Kasi halos pagbabasa lang talaga, pero mapapanood mo naman in person – as in nasa iisang lugar kayo. Parang meet and greet na rin sa mga artista.

Kung ipapaliwanag ko pa rito kung bakit Beginner’s Guide ang paborito ko sa mga #romanceclass books, hahaba nang bongga ang post na ‘to. Soooo, basahin niyo na lang yung explanation dito.

Binabasa pa lang ni Ms. Mina yung book description, sobrang namumula na raw ako. Hindi naman ako nagulat o nagtaka kasi sobrang overwhelming ng feels. Kung papakinggan niyo nga yung recording ko, bago magsimula sina Kuya Migs at Ate Graie, may sinabi pa akong “OMAYGAD.”

Hindi naman ako nagsisigaw sa mismong performance. Syempre naka-record din yun at ayoko namang masira yung quality dahil lang hindi ko kinakaya yung feels. Kaya internal squealing na lang. At kapag may group reaction, sinasamantala ko para mailabas ang kilig.

Basta habang binabasa yung excerpt, parang nakikita ko na talaga sina Nero at Kaya. Tapos maya-maya malungkot na si Nero. Yung mukha ko noon yung talagang naaawa kasi pakiramdam niya ikinahihiya siya ng pamilya niya tapos naiinis ako na “unsuitable” ang tingin niya sa sarili niya at parang may kailangan siyang patunayan para maging karapat-dapat. Kung ako talaga kausap niya, hindi ko rin alam gagawin ko.

Fictional character lang ‘to ha. Pero bakit sobra akong nadala? Sobrang affected ako, kahit hanggang ngayon. Ganyan katindi yung performance.

nero-and-kayaPinasulat ko ng message sina Kuya Migs at Ate Graie sa copy ko ng Beginner’s Guide. Pagkakita ko sa sinulat nila, MAYGASH ANG GANDA NG SULAT NI KUYA MIGS. Internal squealing ulit kasi kinilig daw siya while reading. Soooo paano pa kaya kami, ‘di ba? Kaming mga nanonood? FEELS FEELS FEELS.

Tapos group picture with Ate Six, Kuya Migs, at Ate Graie.

beginners-guide-group-photo

Tapos MAYGASH PHOTO WITH NERO NA. Yung character na siyang dahilan kung bakit yung book reviews ko sa Beginner’s Guide, naparami ang uppercase letters.

SI NERO I MEAN, MAY CAFE SIYA. TAPOS YIEEEE SUPER GANDA NG LINES NIYA SA BOOK TAPOS YUNG INTERPRETATION PA NI KUYA MIGS SOBRANG !!! –

-yung puso ko. Kalma. Kalma. Sabi ko nga, may bagong hashtag na ako. Kung dati may #NeroNeroNeroNero (with the uppercase, more intense all-uppercase version – #NERONERONERONERO) at yung #InLoveWithInLab, ngayon may #NoOtherNero na.

Medyo sad lang kasi wala si Kuya Migs sa October 22. (Super sure na ba talaga o may pag-asa pa?)

Sobra kong naappreciate yung performance, grabe. Kaya nung nagpapicture ako, namumula pa rin ako.

fay-meets-nero

Super friendly pa ni Kuya Migs kaya hindi na ako masyadong nahiya nung nagpapicture ako. (Seryoso Kuya, ikaw na talaga si Nero. Thank you for bringing him to life, kahit sandali lang. Yung fangirl heart ko sobrang ❤ ❤ ❤ <3!

fay-and-kuya-gio fay-and-ate-gab

May pictures din ako kasama sina Kuya Gio at Ate Gab. Ang ganda ng tandem nila. Kaso nga lang, loyal kami ni Eliana sa Team Gahoates, kaya umaasa kaming makapunta sa October 22 para sa #FeelsFest.

Sobrang saya namin ni Eliana. Natutuwa talaga ako na naisama ko siya sa #romanceclass family. Ngayon hindi na siya na-o’OP kasi kilala na rin siya ng mga #romanceclass authors.

Kilala kita!
-Ate Six to Eliana

fay-with-ate-sixMAJOR FREAKING OUT FANGIRL MODE AKO DAHIL SA #ALLTHEFEELS. Niyakap ko rin nang mahigpit si Ate Six. Nakita ko kung gaano siya ka-cute habang binabasa yung sinulat niyang libro. Kung ako nga siguro yun, kakailanganin ko rin ng matatag na upuan kasi sasabog lahat ng feels. ❤

Maraming salamat kay Eliana sa lahat ng pictures! 🙂


OKAAAAY. Habang tinatype ko yung Twitter recap, naisip ko na gusto ko talagang maging #romanceclass author. Na gusto ko ring mapili yung book ko para sa live readings. (And, okay, na sana si Kuya Migs yung guy because FEELS at tska magiging major throwback moment ang #AllTheFeels – from fangirl to author ang peg!)

Sabi ko sa Twitter, “this day is legendary. I don’t have to wait for it anymore.”

Hindi lang fangirl feels ang naging dulot ng #AllTheFeels. Pati writing powers ko, recharged naaaa! Sobrang pagod man kami ni Eliana, super worth it lahat. ❤

Super thank you kina Ms. Mina, Kuya Migs, Ate Graie, Kuya Gio, Ate Gab, at sa lahat ng taong nasa likod ng #AllTheFeels. Hindi ko po ito makakalimutan. ❤ Lalo ko pong susuportahan ang mga hashtag things ng #romanceclass. Matagal-tagal pa po bago ako maka-move on dito. 😉

signature

CLICK HERE TO READ THE ENGLISH VERSION! ❤

Advertisements

Let your thoughts be heard!

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s